Isang mananaya sa Imus, Cavite ang nanalo ng P40.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Lunes ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II , general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya ng P20.
Siya ang pumili ng mga numerong 14-8-34-27-45-38 na lumabas sa draw. Nanalo naman ng tig-P102,530 ang pitong mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Tig-P1,120 naman ang tinamaan ng 510 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 9,718 mananaya na nakatatlong numero.
MOST READ
LATEST STORIES