TUWANG-TUWA ang anak-anakan nating si Arjo Atayde dahil for the very first time ay nakaranas siyang maging endorser ng isang podukto/kompanya – ang clothing apparel na Hammerhead Jeans & Shirts owned by Daniel Villanueva and managed by Benjamin Yung.
Nakakatuwa dahil sa silver anniversary ng kompanya ay silang dalawa ni Kristoffer Martin ang sabay na kinuhang model for the said brand that had in their list top celebrities like Zoren Legaspi, Piolo Pascual, Willie Revillame (during his Wowowee years) and Alfred Vargas.
“First time po akong nagkaroon ng endorsement kaya I consider this as a big blessing. Hindi dahil sa feeling ko’y made na ako dahil officially ay mag-e-endorse na ako ng isang product, I just feel so good na napansin at pinagkatiwalaan nila ako.
Kaya pi-pilitin kong maging role model for them who trust me with this,” ani Arjo na napakaguwapo lalo nu’ng gabing iyon. Kahit casual lang naman ang suot ni Arjo, you can smell class in him without trying.
Si Kristoffer Martin has been with Hammerhead for the past five years, so to speak, effective siyang endorser for them. Mabait din ang binatang ito, magaling ding umarte like Arjo ay parehong guwapo. Galing nila, di ba? Napagsabay nila ang dalawang artists from two rival networks – Arjo from ABS-CBN at si Kristoffer naman ay mula sa GMA 7.
Arjo has been getting very good reviews sa performance niya sa top-rating teleserye ng ABS-CBN entitled Ang Probinsiyano. Marami silang malalaking aktor ang kasali sa napaka-exciting na seryeng ito pero madalas ay tatlo lang sila nina Coco Martin at ang sikat na ring child star named Onyok ang palaging napag-uusapan.
But of course, it doesn’t mean na hindi ma-galing ang mga kasama nila sa serye, lahat sila’y super huhusay kaya lang umiikot ang major conflicts ng istory sa kanilang tatlo. Kaya siguro sila talaga ang nagsa-shine. And itong si Arjo – whew! Iba ang texture sa pag-arte.
Perfect ang kombinasyon nila ni Coco who is solid sa masang audience. “I am very fortunate na nakasama ako sa Ang Probinsiyano. Napaka-generous ni Coco sa akin, sa a-ming lahat. Ngayon lang kasi ako talaga nabigyan ng pagkakataong makatrabaho siya and I am very impressed.
Ang galing umarte ni Coco kaya talagang nagsisikap akong huwag mapag-iwanan sa mga eksena ko with him. “I study my homeworks kumbaga. Ang bait pa ng direktor namin, hinahayaan niya ako sa atake ko – inaalalayan lang niya ako when I ask for help,” pagtatapat ni Arjo sa amin.
Malapit nang mag-birthday si Arjo, sa Nov. 15 sa pagkalaam ko. He will have a big party that day and wish ko lang ay makadalo ako dahil meron kaming tentative schedule ng isa ko pang anak na si Michael Pangilinan sa Singapore or HongKong para sa international premiere ng “E-veryday I love You” with Liza Soberano and Enrique Gil.
Pag hindi kami natuloy, definitely I will attend. I cannot afford to miss that.