Kim umiwas sa isyu tungkol sa katabaan ni Mega; pinahihirapan pa rin si Xian Lim

kim chiu new

KAY Kim Chiu mismo namin nalaman na nasa final casting na ang Star Cinema para sa 2015 MMFF entry nila na pagbibidahan ng “urong-sulong” queen na si Kris Aquino.

“Hindi pa po kami nag-start mag-shoot, pero sinigurado na po sa amin na matutuloy na yung movie at kasama nga kami (ni Xian Lim) doon,” balita sa amin ni Kim bago pa man siya humarap sa media bilang endorser at business partner ng ATC Healthcare.

Siya ang brand ambassador ng pampapayat na Fatout supplement. Binanggit pa ni Kim na kapag hindi raw natuloy ang kanilang MMFF entry ay magmumulta ng milyones ang Star Cinema sa MMDA at MMFF Committee.

Sa kanya rin nanggaling na posible nilang makasama sa pelikula sina Derek Ramsay, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Bimby Aquino Yap, at ang dalawang apo ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio.

Natawa lang ang dalaga nang itanong namin kung ano ang reaksyon niya sa pagkakatsugi kay Q.C. Mayor Herbert Bautista na original leading man ni Kris sa naturang proyekto.

Speaking of Fatout na siyang ginagamit ngayon ni Kim para sa pagme-mantain sa kanyang ideal na timbang at pag-iingat sa mga toxic food, may nagtanong sa aktres kung keri ba nitong irekomenda ang naturang supplement sa mga gaya nina Sharon Cuneta at iba pang kilalang celebrities na mayroong problema sa kanilang sobra-sobrang weight?

Sey ni Kim, “Talagang may ganyang tanong? Puwede naman po ito sa lahat. Inirerekomenda ko ito hindi lang sa mga matataba na gustong pumayat, sa mga payat na gustong maging healthy, sa lahat, artista man o ordinaryong mga tao.

“Mas maganda na yung maging maingat at may fit and healthy body tayo para masaya lang,” hirit pa ni Kim. Samantala, hindi pa rin umaamin si Kim sa tunay na lagay ng relasyon nila ni Xian Lim, consistent pa rin siya sa pagsasabing wala siyang dyowa ngayon – zero lovelife pa rin daw siya.

Masaya lang daw talaga ang buhay niya sa ngayon lalo pa’t na-renew na raw uli ang good friendship niya with Maja Salvador. Susuportahan din niya ang big concert nito by buying tickets.

Open na rin siyang makatrabaho uli ang dating BFF kahit pa raw si Gerald Anderson ang makasama nila for as long as maganda at may kabuluhan ang script o kuwento na pagsasamahan nila.

Read more...