Bash ang inabot ni Claudine Barretto when she posted a screengrab of Alden Richards, Wally Bayola and Maine Mendoza with this caption, “Love u Aldub! #aldubfan.”
For one fan, naging insensitive raw si Claudine dahil more than two weeks ago ay nag-guest pa siya sa It’s Showtime tapos bigla siyang magpo-post ng photo ng kalabang hosts ng noontime show.
Ipinaalala ng basher sa aktres na kababalik lang nito sa ABS-CBN pero palpak na naman ang emote niya. Ang say naman ng isa ay wrong timing ang ginawang post ni Claudine dahil meron siyang Maalaala Mo Kaya episode last Saturday.
Okay lang naman daw na manood si Claudine ng Eat Bulaga pero ‘wag na raw itong mag-post ng screen grab na kuha sa show. Ipinagtanggol naman si Claudine ng fans niya.
“MMK wow! Galing mo talaga @claubarretto! You are also right in your response… Respect begets respect! But next time don’t feel sorry for these people. Pati ba naman personal choice ay pakikialaman pa! Get a life people!” said one supporter.
“We are super thankful for you, @claubarretto because despite the possible bashing from a few trolls here.. You still chose to shout to the whole world that you are an aldub fan!! And that makes you so genuine!! Thank you, from Aldub nation!” say naman ng isa pa.
“Sa mga hindi fans ng Aldub im sorry po kung nasaktan ko kayo. Pero ang totoong fan ay di dapat matakot na ipaalam at ipaglaban ang mga iniidolo natin. Natutuwa lang po ako na pinapasaya nila mga anak ko.
Wala po akong sinasadyang saktan kahit sino sa inyo. I’m sorry po pero respetuhin natin ang isa’t isa. God bless us all po!” sagot ni Claudine sa bashers.