Ex-minister: Liderato ng Iglesia nais akong itumba

inc

IBINUNYAG  ng tinanggal na ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na nais siyang ipapatay ng mga miyembro ng Sanggunian, ang pinakamataas na administrative council ng makapangyarihang simbahan.
Sa isang press conference, napaiyak si Lowell Menorca II habang sinasariwa ang pagtatangka sa kanyang buhay sa Dasmarinas City, Cavite noong Hulyo 17.
Sinabi ni Menorca na inutusan siyang umupo sa isang bakantang kotse nang isang “bilog na bagay,” na isang granada pala, ang inihagis sa loob ng sasakyan.
“After alighting the coaster, they made me sit in a car. They locked the door and immediately they left the scene. The driver of a-nother car went to the backside and threw a round thing inside the car, at the backseat. I knew that it was a grenade,” aniya.
Idinagdag ni Menorca na nang hindi sumabog ang granada ay isang pulis ang ipinadala sa kanya para siya patayin.
“When we were already in an isolated area, he was looking for a gun. That’s when I begged him. Sabi ko, ‘Please don’t kill me. Maawa ka na sa akin, sir. Ang katunayan po ay ministro ako ng Iglesia ni Cristo at may asawa po ako at isang anak.’ I was already crying to him. Sabi ko, ‘I am not a bad person. Huwag n’yo naman po sanang hayaan na lumaki ang anak ko na walang ama,’” dagdag ni Menorca.
Aniya pa, nakumbinsi niya ang pulis na huwag siyang patayin, pero snabi nito na mahaharap siya sa kasong illegal possession of firearms.
“What was left for me to negotiate? So I said yes,” dagdag ni Menorca.
Inaresto siya sa Dasmariñas noong Hulyo 17 matapos umanong pagbantaan ang dalawang construction worker habang hawak-hawak ang isang granada.
Pinakawalan siya noong Hulyo 25 sa pamamagitan ng abogado ng INC na si Allen Blair Boy, na siyang nagdala sa kanyan sa compound ng INC sa Quezon City.
Sinabi pa ni Menorca na bago ang pagtatangka sa kanyang buhay, sapilitan silang kinuha ng kanyang asawa mula sa kanilang bahay sa Bulan, Sorsogon ng anim na sasakyan na naka-convoy matapos ang church service noong Hulyo 17.
Aniya, kasama sa mga dumukot ang ilang pulis-Quezon City.
Idinagdag ni Menorca na ilit siyang pinaamin na siya ang Antonio Ebangelista, ang blogger na siyang nagbunyag sa umano’y katiwalian sa INC.
Aniya, nagmakaawa rin siya para huwag idamay ang kanyang asawa at anak.
“I just asked them, ‘Do whatever you want to me, just leave them alone.’ I asked them and begged them, whatever they want me to say, whatever they want me to admit, whether true or not, I will (admit it). They can shoot me if they want, they can kill me if they want, just leave my wife and my daughter alone. I asked where they were, they couldn’t give me anything, only trying to pacify me with the words saying ‘Okay lang sila,’” sinabi ni Menorca habang humahagulgol.
Sinabi ni Menorca na tatlong buwan siyang ikinulong sa loob ng compound ng INC.
“We were never free to go out even though they promised us, ‘Okay we can slowly introduce you to the outside world, slowly everything will be normal.’ I told them, ‘I don’t want my child growing up knowing that we are prisoners here’,” aniya.
Nailigtas si Menorca at ang kanyang pamilya noong Oktubre 21 mula sa isang bahay sa Quezon City.

Read more...