Chiz ‘collector’ ng mga chicks

SA pagtakbo ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pagkabise presidente sa 2010 ka-tandem si Sen. Grace Poe, hindi maiiwasang isipin na sa kanilang tambalan, sumasakay ang una sa kasikatan ng huli.

Bukod kay Poe, hindi rin maitatanggi ni Chiz na nagamit niya ang iba pang mga babaeng dumaan sa buhay niya para maisulong ang kanyang ambisyon sa politika.

Sa edad pa lamang na 22, inambisyon na ni Escudero na pumasok sa politika kaya nga nagtapos siya bilang abogado para maging puhunan niya ito sa kanyang ambisyon.

Alam naman natin na bago naging asawa si Heart Evangelista, ikinasal muna siya kay Tintin na isang singer sa isang kilalang hotel sa Quezon City.

Nakita ni Chiz ang potensiyal ni Tintin para makatulong sa kanyang political career.

Niluluto na kasi noon ni Chiz ang pagpasok sa politika at alam niyang makakatulong ang isang babaeng maganda, magaling kumanta pero hindi sosyalera at hindi magastos.

Alam kasi ni Chiz na wala siyang kaagaw sa limelight sakali mang ipakilala niya sa publiko ang kanyang karelasyon.

Lahat ng kilos ni Chiz ay kalkulado at planado. Lahat ng pakikipag-ugnayan niya sa tao ay may rason.

Hindi rin nakapagtataka kung nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama ng kanyang unang asawa.

Nang umalagwa ang political career ni Chiz, hindi naman makita ni anino ng kanyang asawa.

At nang mainit na mainit ang political career ni Chiz, hindi ba’t minsang na ring isinulong ang kanyang kandidatura sa pagkapresidente?

May mga fund raising pa nga para isulong ang kanyang kandidatura.

Hindi nga lang ito natuloy matapos nerbiyosin si Chiz at umatras sa pagtakbo. Dahil sa kanyang pag-atras, nagalit pa ang kanyang mga financier.

Matapos naman ito, lumamlam ang political career ni Chiz. Pumutok ang paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Tintin at ang itinuturong third party ay si Kris Aquino.

Dahil kay Kris, muling pumutok ang pangalan ni Chiz. Negatibo man ang isyu, ang importante ay muli siyang napag-uusapan.

Pagkatapos ni Kris, dito na pumasok si Heart. Bagamat kapwa na “laos” sa kanilang karera, mas naging pabor kay Chiz ang pakikipagrelasyon kay Heart.

Bukod sa maganda, heredera si Heart at hindi ba’t noong una ay kontra-kontra ang mga magulang ni Heart kay Chiz? Nagawa pang suwayin ni Heart ang kanyang magulang dahil kay Chiz.

Bagamat nahilaw ang ambisyon ni Chiz sa pagkapangulo, nabuhay muli ang kanyang pag-asa dahil nga kay Poe.

Hindi ba’t alam ng lahat na kaya tinanggihan ni Poe ang alok ni Pangulong Aquino na maging VP ni Mar Roxas, ay dahil kay Chiz?

Si Chiz kasi ang kumumbinsi kay Poe na tumakbo sa pagkapangulo para nga naman makatakbo siya bilang VP.

At bagamat nauna nang nabatikos dahil sa walang nagawa nang siya ay congressman at senador, umaasa si Chiz na dadalhin siya ng popularidad ni Poe.

Hindi ba’t may usap-usapan pa na si Chiz ang makikinabang sakaling madiskwalipika si Poe sa harap ng iba’t-ibang disqualification na inihain laban sa kanya?

Bagamat itinanggi na ni Chiz na interesado siya sa posisyon ng pangkapangulo, hindi niya maitatanggi na gamit na gamit niya si Poe sa kanyang ambisyon.

Read more...