Seething with anger itong si Gina Alajar at talagang matindi ang kanyang shoutout sa kanyang Instagram account. Naimbiyerna kasi si Gina dahil hindi inasikaso ang kanyang kasambahay na dinala sa Las Piñas Medical Center dahil positive ito sa dengue.
Nauna nang na-test ito sa isang medical clinic and they were advised na dalhin na ito sa ospital. Ang kaso, hindi naman pala ito inasikaso sa nasabing ospital dahil walang perang dala ang kasambahay.
Nang dumating ang anak ni Gina na si Ryan ay saka pa lang inasikaso ang kasambahay dahil may dala ng pera si Ryan. “Ang bottom line, HINDI IMPORTANTE ANG BUHAY SA BANSANG ITO!!!” That was Gina’s finale one-liner.
“Bawal yan. May batas jan na may pera o wala dapat asikasuhin nila,” say naman ni direk Wenn Deramas. Naku, Gina, bakit hindi ka mag-file ng reklamo nang matauhan ang namamahala ng ospital na ‘yan.
Sa mga comments naman, marami ang nakisimpatya kay Gina. “Isa sa pinakanakakahiya at nakakalungkot na katotohanan sa Pinas.” “Pag naman sa public ka dinala like PGH or Quirino mamamatay ka, ni hindi ka aasikasuhin agad.
Kawawa yung mga pobre na gustong maisalba ang buhay ng pamilya nila.. I’ve watched documentary sa I-witness about this maiiyak ka nalang sa awa.”
“Nakakalungkot na katotohanan. Walang malasakit ang gubyerno sa mga Tao. Kung meron dapat ito ang isa sa mga priorities, hindi ang pagkurakot!”