Liza: Kailangan may bago sa amin ni Enrique para di sila magsawa!

enrique gil

PAULIT-ULIT kong pinapanood ang music video ng alaga kong si Michael Pangilinan with the song “It Might Be You” dahil ito ang theme song ng bagong movie ng Star Cinema na “Everyday I Love You” starring Liza Soberano and Enrique Gil na ipalalabas na sa Oct. 28 sa lahat ng sinehan nationwide.

Ang ganda ng movie na ito and in fairness, bongga ang pagkakakanta ng baby nating si Michael ng “It Might Be You.” Sayang nga lang at walang premiere night ang movie dahil wala yata si Enrique sa bansa – meron yata siyang engagement sa Amerika.

Iyon ang dinig ko pero kahit na, napakaraming kababayan natin ang nangungulit kung kailan ito ipalalabas. Puwes, sa Miyerkules na po. Go na go na ito.

“I felt so privileged para i-assign nila sa akin ang official theme song ng movie. For some reasons, damang-dama ko ang song. Ganda kasi ng lyrics, at bagay na bagay sa istorya ng movie ng Liz-Quen,” ani Michael nang makausap namin before he proceeded yesterday sa isang charity show para sa mga Lando victims na ginanap sa Marist School sa Marikina.

If plans push through, lilipad kami ni Michael either sa HongKong or sa Singapore this coming Nov. 15 para sa international premiere ng said film with Liza and Quen.

Request kasi nila na if ever matuloy ang event na ito dapat daw kasama si Michael para siya mismo ang kumanta nang live sa harap ng audience.

“Wow! Sana matuloy! Hindi pa ako nakakapunta sa HongKong or sa Singapore kaya pagkakataon ko na ito kung sakali. Pupunta sana kami roon ng family ko kaya lang naging busy ako sa Your Face Sounds Familiar,” sabi pa ng ating Harana Prince.

Basta kami, in full force kaming manonood ng movie ng LizQuen, siyempre, gusto naming mapanood ang obra ni Mae Cruz plus gusto naming marinig ang paglapat ng kanta ni Michael in this movie. See you at the theaters.

Speaking of “Everyday I Love You”, siniguro nina Liza at Enrique na ibang-iba ang ipakikita nila rito kesa sa first movie nila na “Just The Way You Are”. Sey nga ni Quen, “It’s more of a serious take or serious role, which ako kasi maloko ako, light-light lang.

So, they really have to be serious, something, na they never saw before. And sa situation po ng characters namin because here sa start ng movie may boyfriend si Liza (played by Gerald Anderson), very critical ang each scene.

“Kung may kilig scene man, di puwede ang sobra kasi teka may boyfriend. Pero nandu’n si Direk Mae to guide us…and we have great actors here,” sabi ni Enrique.

For her part, Liza said, “Para sa akin ang kinailangan namin gawin is kung paano gawing different ‘yung characters namin from the past characters we portrayed.

Kasi, we want to give the audience something different, something new, para hindi naman magsawa sila sa amin. “Baka makita nila kasi na we haven’t upgraded from our last projects,” she added.

Read more...