Dawn na-feel ang pagiging problemado ni Jessy sa taping

richard gomez

IBINANDERA nina Dawn Zulueta at Richard Gomez ang kanilang sikreto kung bakit hanggang ngayon ay click na click pa rin sa madlang pipol ang kanilang tambalan at nakikipagsabayan pa nga sa mga pambatong loveteama ngayon ng ABS-CBN.

Muling magkakasama ang dalawa sa latest teleserye ng Dos na Your’re My Home na malapit nang umere sa Primetime Bida kung saan bida rin sina JC de Vera at Jessy Mendiola.

Gaganap na mag-asawa sa kuwento ng You’re My Home ang CharDawn. “I think it really has to do with us being good friends. I know it might be hard also to understand for some people because they cannot imagine actually being friends with an ex.

But I happen to have many friends na ex ko talaga. He’s not the only one. Monsour (del Rosario) is another one. I guess masuwerte ako kasi kahit natatapos ang isang relasyon na mapait eh pagka-naka-get over ka naman puwede na kayong maging magkaibigan.

Life moves on,” unang paliwanag ni Dawn nang makausap ng mga miyembro ng entertainment media sa ginanap na You’re My Home grand presscon kamakailan.

Hindi rin daw naging problema kahit kailan sa kanyang asawang politician na si Anton Lagdameo ang pagsasama nila sa trabaho ni Goma, “Well I think normal din naman talaga sa isang lalake na kahit paano baka ma-affect din siya ng konti.

Pero mature naman kasi my husband and nakikita naman niya na naa-appreciate ng mga tao yung tambalan namin onscreen ni Richard.

“So for my husband na-appreciate din niya na ang ganda nga naman at ganu’n talaga yung trabaho namin so nahihiwalay niya na yan ang persona ko pag kasama ko si Richard,” esplika pa ni Dawn.

Isa si Jessy Mendiola sa gaganap na anak ni Dawn sa serye kaya natanong din sa kanya hindi ba naging isyu sa kanila ang mga kontrobersyang kinasasangkutan ng dalaga ngayon, lalo na ngayong balitang-balita na hiwalay na uli sila ni JM de Guzman?

“Well, oo nakakaramdam din naman kami pero hindi naman si Jessy makuwento eh. Pinakikiramdaman ko lang. If she wants to talk to someone or if she wants to ask me anything, then she’s always welcome to do that,” sagot ni Dawn.

Handa ba siyang bigyan ng advice si Jessy sakaling lumapit ito sa kanya? “I make her also feel that way. Pero hindi naman siya pala-share. Jessy is always professional.

Very sweet, tahimik lang siya magtrabaho.”Last year pa nagsimula ang taping ng You’re My Home kaya naging close na si Dawn sa mga kasamahan niya sa serye including Jessy, “Nakapangalawang pasko na nga kami eh.

Ha-hahaha! Because we started last December so nag-Christmas party kami so magki-Christmas party na naman kami! Ngayon napansin ko lang si Jessy na very serious, very quiet. She likes to sit by herself. Kung kunyari nagpe-prepare lang kaming lahat.”

Ano ang payong ibibigay niya kay Jessy sakaling makapag-usap sila? “I wouldn’t know what advice to give her until I know kung ano yung pinagdadaanan niya. I only have a hunch but I’m not going to speculate.”

Samantala, magsisimula nang umere ang You’re My Home sa Nov. 9 sa Primetime Bida ng ABS-CBN at makakasama rin dito sina Assunta de Rossi, Paul Salas, Sam Concepcion, Mika de la Cruz, Lara Quigaman, Tonton Gutierrez at Jobelle Salvador, sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Read more...