Mga Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs Adamson
4 p.m. FEU vs UE
Team Standings: xFEU (8-1); xUST (8-2); Ateneo (6-4); La Salle (5-4); NU (4-6); UP (3-6); UE (3-6); Adamson (1-9)
x -playoff Final Four
PAGSISIKAPAN ng Far Eastern University at De La Salle University na ulitin ang mga panalong naitala sa unang pagkikita sa pagpapatuloy ng 78th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Kalaro ng Tamaraws ang University of the East Red Warriors sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon na magsisimula matapos ang tagisan ng Green Archers at Adamson University Soaring Falcons sa ganap na alas-2 ng hapon.
May 8-1 baraha ang FEU at ang makukuhang panalo ay sapat na para ipuwesto ang sarili sa Final Four.
Umani ang tropa ni FEU coach Nash Racela ng 92-81 panalo sa Red Warriors sa unang pagkikita at asahan na gagawin nila ang lahat ng makakaya para manalo upang maipuwesto na ang sarili sa semifinals.
Dinurog ng Archers ang Falcons, 88-71, at kakamada uli ang mga inaasahang manlalaro sa pangunguna ni Jeron Teng para mapantayan uli ang pahingang Ateneo de Manila University sa ikatlong puwesto sa 6-4 baraha.