Young actor ayaw maging dyowa si Kiray: Marami pa naman pong babae sa mundo!

kiray andre

BINIBIRO namin ang Kapa-milya teen actor na napapanood din ngayon sa TV5 na si Andrei Garcia nang makita namin sa taping ng Halloween episode ng #ParangNormal Activity kamakailan.

Siya lang kasi ang alam naming batang artista ngayon na may dalawang programa sa magkaibang network. Yes bossing Ervin, napapanood din kasi si Andrei sa On The Wings Of Love bilang nakababatang kapatid ni James Reid na naiwan sa Pili-pinas.

Kaya biro namin sa kanya siguro’y ang yaman na niya dahil dalawa ang show niyang sabay na umeere at inasar pa namin kung anong show ang gusto niya at hindi ba conflict sa schedule ng tapings niya.

“Pareho ko pong gusto kasi blessings po, ‘yung sa On The Wings Of Love po nu’ng nasa Amerika si Clark, kokonti lang po eksena ko kaya hindi naman po regular ang taping, semi-re-gular lang po ako doon.

“But since nandito po sa Pilipinas si Clark, naging regular na po kasi magkakasama kami. Hindi naman po conflict kasi MWF po taping ng OTWOL at tuwing Saturday naman po ta-ping ng #ParangNormalActivity,” paliwanag ni Andrei.

Inamin din ng batang aktor na mas at home siya sa #ParangNormalActivity dahil, “Kasi po nandito po mga kaibigan ko, para kaming magkakapatid po nina Ryle (Paolo Santiago) at Shaun (Salvador), kumbaga, family ko na po sila, pati mga staff and crew.”

Nag-iisang anak kasi si Andrei kaya siguro sobra siyang napalapit ng husto sa dalawang kasama niya sa comedy/horror series ng TV5.

Pambubuking pa nga ng program manager ng #ParangNormalActivity na si Omar Sortijas ay looking forward parati sina Andrei, Ryle at Shaun sa susunod nilang tapings, lalo na raw ang una na umiiyak pa pag wala silang taping.

“Kasi po, parang hindi ako sanay na hindi ko sila parating kasama, like every every week,” katwiran ng bagets.

Hirit naman ni Ryle, “Siya po ang baby namin.” Si Kiray Celis ang partner ni Andrei sa #ParangNormalActivity sabay tawa ng batang aktor kaya balik-tanong namin kung bakit siya natawa, “Ha-hahaha! Very funny po kasi siya tapos ate ko po siya, tapos naging ka-loveteam ko po siya,” paliwanag ni Andrei.

Type ba niya si Kiray, “Iling po ang sagot ko,” sagot niya sa amin. Dagdag pa ni Andrei, “Trabaho po, eh. Work po, okay lang. Hindi naman po sa ayaw, marami pa namang babae sa mundo.”

Napahalakhak kami sa sinabi ni Andrei kaya bigla siyang bumawi, “Mabait naman po si ate Kirays,” ani Andrei. Pero siyempre, biruan lang naman ang kuwentuhan na-ming iyon bossing Ervin.

He-hehehe! Anyway, taong lobo ang papel ni Andrei sa Halloween episode ng #ParangNormalActivity sa direksyon ni Perci Intalan at aminado ang batang aktor na nahihirapan siya dahil sa prosthetics.

Anyway, sa mga avid fan ng #ParangNormalActivity ay magkakaroon sila ng live shows sa iba’t ibang mall sa Metro Manila at ilang probinsiya kaya abangan ang schedule nito sa TV5.

Read more...