Amalia Fuentes na-stroke raw sa Korea, pamilya humiling ng dasal

amalia fuentes

MY dear friend Ms. Divina Valencia (my other mom sa showbiz actually) texted me yesterday asking for prayers for her colleague Ms. Amalia Fuentes, Tita Nena to many of us, dahil nasa Korea raw ito ngayon at doon dinale ng stroke and currently confined sa isang undisclosed hospital.

Actually, ilang araw ko nang nabalitaan ito through a blind item and someone very close to me whispered na si Tita Nena nga raw ang tinutukoy doon. Bigla akong nag-flashback sa beautiful moments ko with Tita Nena who became very close to me too.

There were times na bigla na lang darating sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz iyan sa DZMM, wala lang. Gusto lang daw niyang dumalaw dahil ayaw siyang tamaan ng antok.

“Hindi ako makatulog at na-miss lang kitang bigla. Kaya nang makita kita sa Te-leradyo, bumalikwas ako sa higaan ko at kahit nakapantulog na ako ay sumugod ako para lang makigulo sa program ninyo. Ha-hahaha!” she would fondly tell me noon.

Totoo nga, nakapantulog lang si Tita Nena nang makipagtsikahan siya sa amin ni Papa Ahwel. Kasi nga, she just lives nearby – sa New Manila lang siya nakatira kaya mabilis siyang nakarating sa program namin.

Siyempre, with Tita Nena around, no dull moments. Kahit isang oras kang makinig sa pagtataray niya oks lang dahil very cute ang dating. And meron siyang karapatang magtaray dahil siya si Ms. Amalia Fuentes, ‘no!

Minsan naman ay niyayaya ko iyan to attend sa ilang personal events ko. Join iyan sa akin provided na ipapasundo ko lang siya at pakakainin nang masarap. Mababaw lang ang kaligayahan ni Tita Nena kaya magkasundo kami talaga niyan.

“Mahal kita Jobert, I just love you and Boy Abunda. You are just very special to me,” ang madalas niyang sinasambit sa akin na siyempre’y ikinakapa-flatter ko talaga.

Now ay wala siya sa tabi natin, nasa malayong lugar siya kaya imadyinin n’yo na lang ang pag-aalala naming mga nagmamahal sa kaniya.

Sana ay huwag siyang pabayaan ng nasa Itaas, sana ay malagpasan niya itong pagsubok na ito sa buhay niya. Mahirap kasi pag nagkakaedad na tayo, hindi talaga maiiwasan ang ospital.

Kasi nga humihina na ang ating system kaya sana ay tulong-tulong tayong magdasal that she’d be fine. Kahit mataray iyang si Tita Nena she is very sweet in reality.

Pag mahal ka niya, she will fight for you till the end pero pag irita siya sa iyo, walang kinatatakutan iyan. Susugurin ka niya kahit saan para iparamdam lang sa iyong masama ang loob niya.

That’s why I love her. Get well soon, Tita Nena. We love you.

Read more...