Mainit na labanan asahan sa 2015 Milo Little Olympics National Finals

ASAHAN ang mainitang labanan uli sa pagitan ng National Capital Region-South Luzon at Visayas para sa overall championship sa 2015 Milo Little Olympics National Finals na gagawin sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Sa pulong-pambalitaan kahapon sa Shakey’s Malate, tiniyak nina NCR-South Luzon at National Finals organizer Robert Milton Calo at Visayas regional organizer Ricky Ballesteros na handa ang kanilang mga atleta para katawaning mabuti ang kanilang rehiyon.

“Some of our athletes are not joining because they are competing in the collegiate leagues but we are prepared to face the challenge,” wika ni Calo na pakay ang ikaapat na overall championship para sa South Luzon/NCR team.

“Ibibigay na natin sa NCR ang swimming pero amin ang athletics. Kaya magkakalabanan sa ibang events tulad ng team sports. We’re fielding a strong delegation because athletes from Bacolod, Iloilo and Cebu are joining us,” pahayag naman ni Ballesteros.

Sina Mindanao regional organizer Megdonio Llamera at North Luzon regional organizer Tess Bernardino ay pareho ring tiwala sa tsansa ng mga ipadadala para makapanggulat sa kompetisyon.

Nasa 1,400 ang bilang ng atleta mula sa 800 kasaling paaralan ang magsusukatan sa 13 regular sports at dalawang demonstration sports (arnis at karatedo) mula Sabado at Linggo.

“We’re excited to once again provide an avenue for this young champs to reach their dream in the field of sports. NCR won the last three staging but expect the other regions to be at their best,” wika ni Milo Sports Executive Robbie de Vera.

Ang mga maglalaro sa Milo Little Olympics National Finals ay ang mga gold medalists ng apat na regional legs.

Dumalo rin sa pagtitipon si Laguna Governor Ramil Hernandez at tiniyak niya na handa ang kanyang lalawigan na ibigay ang pinakamagandang akomodasyon, pasilidad at pagtrato sa mga manlalaro at bisita.

Sa ganap na alas-4 ng hapon gagawin ang opening ceremonies at kinabukasan ay lalarga na ang tagisan sa athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, sepak takraw at scrabble.

Bukod sa magarang tropeo, ang overall champion ay mag-uuwi rin ng P40,000 habang ang papangalawa at papangatlo ay mayroong P20,000 at P10,000.

“The National Finals is the culminating event of the Milo Little Olympics, where champions are made. It will surely be another thrilling sporting event for our student-athletes and spectators alike,” dagdag pa ni De Vera.

Ito ang unang pagkakataon na sa Sta. Cruz, Laguna gaganapin ang National Finals.

Read more...