Nagbabala ang isang mambabatas sa posibleng pagkalat ng bagong drug na ‘Flakka’ sa bansa.
Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development, sinabi ni OFW Rep. Johnny Revilla na kalat na ngayon ang “Flakka” sa Estados Unidos.
Ito umano ang bagong “cocaine” sa US.
Sinabi ni Revilla na malala ang epekto ng Flakka dahil maaaring mamatay ang gumamit nito kapag nasobrahan.
Ayon kay PDEA-NCR director Erwin Ogario mayroon na siyang natanggap na impormasyon kaugnay ng Flakka subalit wala pa umanong ebidensya upang masabi na nakarating na ito sa bansa.
Dahil dito dapat tutukan na ng PDEA ang mga pantalan at paliparan kung saan maaring idaan ang bagong droga.
Sinabi ni Ogario na ang shabu pa rin ang pangunahing ginagamit ng mga adik sa bansa at sinusundan ng marijuana.
MOST READ
LATEST STORIES