Senatorial bet ng LP isolated

BAGAMAT kasama sa senatorial slate ng isang major political party ang pulitikong bida sa ating kwento ngayon, ay masama pa rin pala ang kanyang loob sa mga kapartido.

Mismong ang pinuno ng kanilang partido kasi ang nagsabi na hindi na dapat siya isama sa kanilang lineup dahil mahirap daw siyang pakisamahan.

Ilang mga panukala kasi na isinusulong ng kanilang partido ang muntik nang hindi makalusot sa kongreso dahil sa pagharang mismo ng ating bida.

Bukod dyan ay kulelat din sa survey si Mr. Politician na lalong nagpabigat sa kanyang kandidatura bilang mambabatas.

Sinabi ng ating Cricket na hindi kumportable ang “Hyatt 10” na makasama sa kampanya ang ating bida dahil masyado daw itong nagmamagaling.

Pero ayon sa ating Cricket, kaya daw galit kay Mr. Politician ang mga tsuwariwap ng Malacanang ay dahil hindi nito pinagbigyan ang ilang hirit ng mga nakapaligid sa Pangulo.

Chairman kasi ng isa sa pinakamakapangyarihang committee sa Senado ang ating bida at maraming mga ipinapakiusap sa kanya ang grupong pinangungunahan ng ilang cabinet members.

May ilan kasi silang kalaban sa pulitika na gustong ipaimbestiga sa komite ni Mr. Politician pero tumanggi ang ating bida dahil alam niyang “kargado” ang nasabing request.

Ilang beses nilang pinakiusapan ang mambabatas na ito sa ibat-ibang pagkakataon pero dinedma lang niya.

Kaya naman nang dumating na ang araw ng pilian ay talagang inilaglag sa listahan si Mr. Politician.

Kundi lamang nakialam ang ilang lider ng Senado malamang ay nasa oposisyon na ngayon ang ating bastunerong mambabatas.

Kahit na gusto niyang kumawala sa kinaanibang partido ay hindi naman niya magawa dahil kailangan niya ng malaking pondo sa darating na halalan.

Kaya kahit pikon na pikon siya sa ilang kasamahan sa kanilang Political Party ay smile na lang siya palagi para iwas stress ika nga.

Ang pulitiko na pakiramdam niya ay saling-pusa kang siya sa kanilang senatorial slate ay si Mr. GJ. ….as in Galanteng Junior.

Read more...