Paglipat ng SSS pension

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. July noong nakaraang taon o 2014 nang pumanaw ang aking ama dahilan sa sa-kit. Pero ang problema simula nang mamatay ang aking ama ay hindi naman nakuha ng aking ina ang pension ng aking ama na dapat nai-transfer sa kanya. Sa tuwing nagpupunta po siya sa SSS branch ay laging may hinahanap sa kanyang mga papel na nagko-comply naman pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang monthly pension. ano po ang dapat namin na ga-win, makukuha pa po ba eto. eto po ang SSS number ng aking ama 03-2186697-2. Sana ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

Eric

Tama na dapat na ang iyong ina ang makinabang sa pension na naiwan ng i-yong ama bilang isang miyebro ng SSS na suma-kabilang buhay na.
Otomatikong mapupunta sa legitimate spouse ang benipisyo.

Ngunit base sa aming pagsusuri base sa record ng SSS may problema nga sa claim at may kinakailangan pang mga requirements na dapat i-comply.

Pinapayuhan ang letter sender na magtungo sa SSS Diliman, Quezon City na kung saan ay nandoon ang inyong record.

Hindi rin dapat na mag-alala dahil makukuha naman ang benipisyo o pension simula nang mamatay ang iyong ama

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Gg. Eric
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior officer, Media Affairs Department
Social Security
System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Bi-yernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...