Sundalo nagwala sa loob ng kampo; 5 patay, 10 sugatan

LIMANG sundalo ang nasawi habang 10 iba pa ang nasugatan nang mag-amok ang isang Army corporal sa loob ng kampo sa Sumisip, Basilan Huwebes.

Ayon kay Army spokesperson Col. Benjamin Hao, dalawa sa mga nasawi ay mga opisyal.  Walo sa mga nasugatan ay mga enlisted personnel, isa ang opisyal at isa ay sibilyan.

Ang suspek ay nakatalaga sa mortar section ng 64th Infantry Battalion.

Read more...