Residente ng Caloocan wagi ng P6M lotto jackpot, may pambayad na ng utang

MAGBABAYAD  na ng mga utang ang 55-anyos na lalaki na nanalo ng P6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Oktobre 15.
Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang nanalo ay may asawa, limang anak at nagtatrabaho bilang office clerk. Siya ay residente ng Caloocan City.
Ang lumabas na numerong 17-21-24-26-30-33 ay tinayaan niya ng lucky pick. Noong 1996 pa siya nagsimulang tumaya ng lotto.
Ayon kay PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Conrado Zabella plano ng nanalo na bayaran ang kanyang mga pagkakautang at magtayo ng maliit na negosyo.

READ NEXT
Inner Peace
Read more...