Wala sa katinuang pag-iisip

IPINAG-UTOS ang pag-aresto sa popular TV host na si Willie Revillame matapos kinampihan ng Court of Appeals ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na kasuhan siya ng child abuse.

Nagpakita naman ng tuwa and Department of Social Welfare and Deve-lopment (DSWD) sa desisyon ng appellate court. Dapat lang daw na igalang ang karapatan ng mga bata.

Nag-ugat ang kaso laban kay Revillame sa isang episode ng kanyang TV show sa ABS-CBN kung saan ang isang 6-anyos na batang lalaki ay pinagiling-giling sa harap ng camera.

Inudyok ni Revillame ang bata na gumiling-giling upang bigyan ito ng P10,000 cash prize. I-nabot ng pagiging mahiyain ang bata at ito’y umiyak.

Pero bakit si Revillame lang ang kinasuhan?

Bakit hindi kinasuhan ang staff ng programa at and ABS-CBN? Sila ang nag-interbyu sa bata bago isinalang sa harap ng camera.

Bakit hindi rin kinasuhan ang mga magulang ng bata?

Ang tugon sa mga katanungang yan ay simple lang: Gusto ng judge na si Roberto Buenaventura na sumikat din dahil sa kanyang desisyon.

Siyempre, dahil sikat si Revillame magiging sikat din si Judge sa pagsampa ng kasong child abuse sa TV host.

Baka nga hindi alam ni Revillame na isasalang ang isang 6-anyos na batang lalaki sa portion ng programa kung saan ipinakikita ang talento ng mga bata sa pagsayaw at pagkanta.

Huwag na tayong maging ipokrito!

Ang daming mga bata na pinagagawa ng acrobatic acts sa circus pero hindi naman nadedemanda ang tagapamahala ng circus ng child abuse.

Bakit? Dahil di naman sikat ang tagapamahala ng circus.

Child exploitation daw sabi ng Court of Appeals sa pagkatig nito kay Judge Buenaventura.

This is the same Court of Appeals which upheld the decision of then Bulacan Regional Trial Court Judge Andres Soriano who meted out a life sentence on a person who is a completely paralyzed for rape.

Si Jeff Quesada ay isang paralitiko. Hindi siya nakakahawak ng kubiyertos at hindi rin siya nakakapunta ng banyo hangga’t hindi siya kinakarga upang maisiyut ang kanyang puwit sa inodoro.

Kaya’t paano nahatulan siya ng habang buhay na pagkabilanggo dahil sa rape (kuno)?

Nakita naman ni Judge Soriano ang kalagayan ni Jeff. Bakit niya ito hinatulan sa salang rape?

And to top it all, the Court of Appeals affirmed Quesada’s conviction!

Marami na sigurong readers ng column na ito at ng INQUIRER na nakukulitan na sa aking paulit-ulit na pagbanggit ng kaso ni Jeff Quesada.

Para na akong sirang plaka, ‘ika siguro nila, dahil napakarami nang beses kong sinusulat ang kaso ni Jeff.

Wala akong pakialam kung anong sinasabi ninyo.

Ang gusto kong ipa-labas na ang sistema ng hustisya sa bansa ay parang circus.

Bakit hindi sinasagot ni Judge Soriano at ng Court of Appeals ang pagbabatikos ko sa kanila sa kaso ni Jeff?

Dahil wala silang maisasagot na matino.

Wala sila sa katinuan ng pag-iisip nang pinakulong nila ang kawawang paralitiko.

Read more...