Jessy: Marami na rin po akong mga kasalanan sa mommy ko!

jessy mendiola

EVERYTIME I would read Jessy Mendiola’s mom defend her daughter from some dirty-minded netizens, natutuwa ako. Humahanga ako at its maximum.

Kasi nga, never naman nakialam ang nanay niya ever since sa career ng anak niya. May nabalitaan na ba kayo about her mom when she was doing films, teleseryes and all? Never naman, di ba? Basta sa pagkakaalam ko, she’s just around pero never na-ging stagemom.

Tahimik lang.  Pero nang puntiryahin na ng rude netizens ang anak niyang si Jessy, I read her mom’s defenses for her daughter. Like any doting and loving mom, she’s taking bullets for Jessy.

And she even threatened some fans na kapag below the belt na ang tira sa anak niya, she may just sue them. Kaya ganoon na lang ang paghanga ko sa mommy niya.

Kaya when Jessy guested in our “Mismo” program ni Papa Ahwel Paz sa DZMM the other night, I took the opportunity para sabihin sa kaniyang “please extend my admiration and respect for your mom for defending you – alam mo na iyon. Hindi ko na i-elaborate basta I respect her so much”.

“Thank you so much. Pang-apat ka na pong nagsabi sa akin niyan today and I am very thankful. Kasi nga, kahit hindi man kami nagkikita ng mommy ko nang madalas, in my heart I know that she is my home,” ani Jessy na sobrang ganda talaga. As in. Walang make-up iyon ha.

Tamang-tama lang din na napag-usapan namin ang mom niya because she was promoting her new teleserye entitled You’re My Home with Dawn Zulueta and Richard Gomez na magsisimula na next month.

“Kahit ano pang sabihin natin, kahit ano pang kasalanan natin sa kanila, ang mga nanay pa rin ang tanging nakakaunawa sa atin. Tulad ko, ilang beses na rin ba akong nagkakamali at nagkasala sa mom ko pero nandiyan siya palagi para magpatawad.

That’s why I truly love my mom,” she adds. After two long years ay ngayon lang nabigyan ng bagong serye si Jessy and seems like magandang vehicle ito para sa kaniya talaga. With the mega-loveteam nina Dawn and Richard, tiyak na patok na naman ito sa ra-tings.

“Maganda ang story nito. Yung team ng Maalaala Mo Kaya ang in-charge ng production, ang Star Creatives. Direk Jerry Lopez Sineneng is our director here. Kaya alam mo na basically ang texture ng serye namin, maraming conflicts amongst family members na mapapanood dito.

Talagang drama siya. And at the end of the day, we all go back home. Yung tipong ganoon that’s why this excites me so much,” kuwento pa ni Jessy.

Sa totoo lang, mukha lang supladita si Jessy dahil mestisahin pero sa totoong buhay, she’s so lovable. Hindi lang siya ganoon ka-demonstrative pero I know that she is a pleasant lady.

Maganda na, mabait pa ang batang iyan, kaya perfect sa kaniya ang bagong serye niyang You’re My Home. And for me, home is where your mom is, tama?

Read more...