AYAW pa ring lagyan ng label nina Carla Abellana at Tom Rodriguez kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon. Sa presscon ng latest movie nilang “No Boyfriend Since Birth” nitong Martes ng gabi, under Regal Entertainment, directed by Joey Reyes, talagang pinilit ng showbiz press na mapaamin ang dalawang Kapuso stars ngunit bigo ang lahat.
Mahigit isang taon nang nagde-date sina Tom at Carla ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin lume-level up ang kanilang relasyon, hindi pa rin nila masabi kung magdyowa na sila o MU pa lang.
Ayon kay Carla, ayaw naman daw nilang magsinunga-ling ni Tom tungkol sa kanilang love affair, at tulad ng lagi nilang sinasabi sa kanilang mga interview, “what you see is what you get” pa rin ang status nila.
Pagkatapos ng question and answer segment ng presscon ay nakorner ng ilang reporter si Tom at tinanong kung hindi ba siya napipikon o nagsasawang sumagot tungkol sa personal na buhay nila ni Carla, “Hindi naman.
Pero I feel na I’ve answered it before, na kapag sinasabing repeat the lines, ganun. Kaya I don’t know what more I have to say. “I’ve said parang everything that I wanted to share.
Gusto ko yung sinabi ni Direk (Joey), e, na we would like… for me at least, that I would like to keep private din, parang compartmentalized…sa industry that I am in now, and I fully understand it, that everything should be out there almost like a public property.
“Yes, I am a public pro-perty, pero in a way, siguro we have some things na we would like to put sana (in private). Pero, like I said, what you see is what you get,” paliwanag ng Kapuso leading man.
May nagtanong naman kung happy ba ang puso niya ngayon? “Very, very happy,” tugon ng binata.
Tulad nga ng sinabi ni Carla, they make sure na hinahanapan nila ng oras ang bonding moments nila together, “Lagi naman, e.
Every chance we get, like gym, to hear mass, recently sa Mystery Manila. So we try to make time.”
Muli, inusisa si Tom kung bakit parang takot na takot silang umamin sa publiko ng tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, hindi raw kaya may nagbabawal o humahadlang sa kanila? “Walang humahadlang. Everything has been going great.”
Ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabi na matagal na silang magdyowa at ineechos lang nila ang mga tao? “That’s up to you guys, e. We’re on track on whatever we’re nurturing. I feel like everything is (good).”
Dito na sumingit si Carla at nagsabing wala pa naman talaga silang aaminin, “Hindi naman kasi kailangan ng official. Ako kasi, honestly, my God, pinalaki ako sa ligaw, tradisyon. Kailangan na dumaan sa mahabang nakakapagod na proseso para makuha ang matamis na oo.
“Siyempre, laki ako sa lola ko. Pero hindi naman nag-work…yung relationship with somebody na matagal-tagal na ligawan, naipakita lahat ng intentions, pero hindi nag-work.
“I don’t think naman din na kasalanan na yun doon na hindi porke’t nangharana yung lalaki ay mag-work yung relationship. So, depende talaga. Walang assurance kung mag-work ang isang relationship or not.
“Du’n talaga kami sa pro-seso na ingatan na lang natin kung ano yung nandiyan,” litanya ng aktres.
Samantala, siniguro naman ni direk Joey Reyes na ibang-ibang Carla at Tom ang mapapanood sa “No Boyfriend Since Birth” kesa sa mga napanood natin sa serye nila noong My Husband’s Lover at sa pelikula nilang “So It’s You”.
Sa pagbabalik big screen ng tambalang CarlTom, naiibang kuwento ng pag-iibigan ang hatid ng pelikula kung saan punumpuno ito ng hugot lines mula sa isang babaeng umaasa na ang dream guy niya nu’ng highschool ang siya rin niyang makakasama fore-ver sa kanyang dream life.
Gagampanan ni Carla ang karakter ni karina Miranda, isang executive assistant sa isang bridal shop na tigang sa lalaki. Hindi pa rin niya makalimutan si Carlo, ang lalaking nagpatibok ng puso niya noon pang highschool sila.
At hanggang ngayon ay umaasa siyang sila ang itinadhana sa tamang panahon. Sigurado kaming maraming makaka-relate sa kuwento ng “No Boyfriend Since Birth” na showing na sa Nov. 11 nationwide.
Sabi nga ni direk Joey, sure na sure siyang magbabalik-tanaw ang lahat ng manonood sa kanilang makulay na highschool life.