VERY smooth na nakapag-file si Batangas Gov. Vilma Santos ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) last Friday sa Comelec na nasa Kapitolyo ng Batangas malapit sa Capitol Mansion kung saan siya nag-oopisina.
Tatakbo si Gov. Vi bilang congresswo-man sa distrito ng Lipa, Batangas sa dara-ting na halalan sa 2016. Naunang nag-file ang actress-politician noong Huwebes pero hindi nila tuluyang i-pinasok dahil may mali sa order ng name niya.
Pwede naman daw burahin kaya lang ayaw ni Gov. Vi na may erasure sa kanyang COC. Kaya ipinagpaliban na lang ang pag-file niya noong Huwebes kasama ang kanyang anak na si Luis Manzano.
Kapag nanalo siya bilang kongresista ng Batangas, madadagdagan pa ang length of public service niya from 18 years, “Next year, 18 years na. Nine years bilang Mayor, first woman na Mayor at first woman na Governor ng Batangas.
Ibig kong sabihin, para ipagkatiwala ‘yun ng Batangueño, hindi ka ba tatanaw ng utang na loob? Kaya noong in-offer itong posisyon na Vice-President, salamat. Talagang maraming-mara-ming salamat,” lahad ni Gov. Vi.
Hindi ambisyon ni Ate Vi ang maging VP ng Pilipinas. Ang focus daw niya ngayong halalan ay makapag-payback time sa mga Batangueños. “Naka-ready ang utak ko na local ako at kung meron man, ga-graduate na ako bilang Governor, gusto kong payback time sa mga Lipaños as Congresswoman.
Kasi lalo na lone district, isa lang ‘to. Alam kong maraming-marami, lalo na manalo pa si Senador (Ralph Recto, her husband) and then, makakahingi ako ng tulong sa nasyonal, ‘yung mga batas na ilaban na pampatibay ng mga kababaihan at kabataan, anything that concerns women and children, e.”
Feeling ni Gov. Vi marami pa siyang maitutulong sa bayan ng Lipa kung saan nagbukas ng pinto sa kanya para maging public servant, “E, kaya ‘yun ang focus ko, nandoon ang utak ko.
Kaya kung sasabihin nila na qualified maging, Vice President is 24/7, 10 days a week ang trabaho niyan. Kahit na 3 a.m. at kinailangan ka niyan.”
Masarap daw pakinggan na may offer sa kanya to run para sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa. Kaya naman thankful siya sa mga naniniwala sa kanya na kaya niyang gawin ang trabaho bilang VP ng Pilipinas.
Pero may mga personal na dahilan si Gov. Vi kung bakti niya tinanggihan ang alok na ito. At sa unang pagkakataon ay inilahad niya sa amin ang tunay na dahilan kung bakit very firm siya sa ‘di pagtanggap sa alok na maging running mate ni Mar Roxas, “Kung sasabihin nila na qualified maging VP, Vice President is sabi ko nga 24/7, 10 days a week ang trabaho niyan.
Kapag merong hindi kayang puntahan ng Presidente, ikaw ang pupunta. Paano kung merong kailangan ang anak (Ryan Christian) ko?” Paliwanag pa niya, “Saka unang-una, importante, dalawa na kami ni Senador (Ralph).
Dalawa na kaming magna-nasyonal. Wala nang tatao sa bahay. May anak pa ako na kailangan ako, ‘di ba? ‘Yun ang hindi ko pwedeng isakripisyo.” Although, hindi naman daw niya ipinagkakait ang kaya niyang magawa for the country,
Kaya lang magiging unfair daw siya sa magtitiwala kung hindi siya makaka-deliver. “Dahil halimbawa, huwag naman ipahintulot, may sakit ang anak mo? E kailangan ka doon? Aba, e, hindi ko iiwan ang anak ko.
Hindi ako makakapunta sa binabagyo kasi kailangan ako ng anak ko rito, e. Hindi ba? O, hindi ako magiging effective. Magiging unfair ako that’s why I said, ngayon ko lang pinapaliwanag ‘to ha kung bakit, marami ang nagsasabi kasi, bakit hindi mo tinanggap?”