Nadine naging instant follower ni Kathryn, close friends na ba?

nadine lustre

Pina-follow na ngayon ni Nadine Lustre sina Vice Ganda and Kathryn Bernardo sa Instagram. Hindi naman big deal ‘yung pag-follow niya kay Vice dahil friends naman sila pero ang medyo shocking for the fans ay ang pag-follow niya kay Kathryn dahil marami ang nag-iisip na magkaribal sila.

There was a time na sa sobrang comparison sa kanila dahil magkahawig sila ay hindi na nabigyan ng pagkakataon ang dalawa na maging friends. May chikang kaya nag-follow si Nadine sa IG account ni Kathryn ay dahil nagkasama sila sa isang photo shoot recently.

Teka, may kinalaman ba ito sa Christmas station ID ng Dos na tampok ang tatlong pinakasikat na love teams ng network na KathNiel (Kathryn and Daniel Padilla), JaDine (James Reid and Nadine) at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil)?

Anyway, kung true nga na nagkaroon ng bonding moments sina Kathryn at Nadine ay welcome news ito sa fans nilang dalawa. Siguro naman ay magbe-behave na ang sandamakmak nilang supporters at tatanggapin nilang friends na ang dalawa.

Read more...