Single pa rin si Ge-rald Anderson hanggang ngayon at wala pa rin siyang naki-kitang kapalit ng ex-girlfriend niyang si Maja Salvador.
Sa presscon ng latest movie niyang “Everyday I Love You” na showing on Oct. 28 kung saan siya ang magiging third party sa loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano, sinabi ni Gerald na mas magiging “better partner” na raw siya. Natuto na raw siya sa mga past relationships niya.
“Ako kasi when a relationship is over, always gusto mo maalala yung mga good moments niyo kasi siyempre that’s why you’re in a relationship di ba? Tulad ng lahat ng relationships maraming mga ups and downs.
Ako naman kung ano yung mga nagawa kong mali, kung ano yung mga nagawa niyang mali, you just learn from that. “And sana sa susunod (na relationship) you’re a better person na.
Not only a better person but a better partner. Kasi minsan you can be the best person in the world but you’re not that good a partner. Aminado ako I was like that. Para sa susunod I’ll be a better person and a better partner,” anang aktor.
And speaking of “Everyday I Love You”, sinabi ni Gerald na challenge sa kanya ang ma-ging part ng movie with LizQuen, “Well kasi ako yung tipo ng artista na pag tatanggap ako ng proyekto dapat talaga yung ma-cha-challenge ako, yung matatakot, yung mahihirapan ako kasi wala kayong makikitang bago kung hindi ganun.
And of course it took convincing kasi hindi pa ganun kabuo yung storya tapos kumbaga first time ako na gaganap ng ganitong klaseng role.
“But kung paano nila in-explain and how direk did the movie, pagsisisihan ko ito kung hindi ko ginawa and I’m very happy with the outcome,” chika pa ng binata.