Chiz Escudero umaming nai-insecure sa mga gwapong kahalikan ni Heart

chiz escudero

Nag-trending naman ang naging panayam kay Sen. Chiz Escudero sa Unang Hirit tungkol sa asawa niyang si Heart Evangelista. Inamin kasi ng senador na okay lang sa kanya kahit laging pakialaman ni misis ang kanyang cellphone.

Sabi ni Chiz, wala naman daw kasi siyang itinatago sa leading lady ni Rocco Nacino sa teleseryeng Beautiful Strangers ng GMA7. “Okay lang. May kasabihan, walang tinatago, walang dapat katakutan,” natatawang chika ni Chiz sa Unang Hirit.

Sa mga naunang panayam, inamin ni Chiz na siya pa nga araw ang nai-insecure sa mga leading man ni Heart. Sabi ng running mate ni Sen. Grace, nai-insecure raw siya lalo na kung gwapo ang katambal ng asawa sa teleserye o pelikula.

“Nakaka-insecure, siyempre kasi baka gwapo yung katambal niya sa TV, yung mga kasama niya sa teleserye, siyempre kasi sila artista they’re all good looking,” kwento ni Chiz. Ganu’n pa man, hindi raw hinahayaan ni Heart na makaramdam ng insecurity ang asawa.

“Insecure minsan pero Heart doesn’t make me feel that way. She always makes sure to make me feel secure sa mga bagay-bagay na ganyan,” anang senador.

Samantala, naiintindihan naman daw ni Chiz na bahagi ng trabaho ng misis ang pagkakaroon ng kissing scene sa kaniyang mga leading man sa teleserye.

Read more...