Publiko pinaalalahanan ng MMDA: Heavy Traffic sa NLEx asahan na dahil sa AlDUb

KUNG may lakad ka sa Sabado at dadaan ka sa North Luzon Expressway, aba’y agahan mo na ang alis mo o kaya ay huwag nang tumuloy dahil tiyak na magiging malala ang daloy ng trapiko rito.

Ito ang paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa inaasahang pinakamalaking show ng Eat Bulaga sa kasaysayan nito na gagawin sa Philippine Arena.

Ayon kay MMDA officer in charge Emerson Carlos, pinapayyuhan nila ang mga motorista na planuhin na nang mas maaga ang kanilang mga lakad sa Sabado kung hindi man  sa Philippine Arena sa Bulacan ang kanilang tungo para panoorin ang longest noontime show ng bansa na magtatanghal sa pinakamainit na love team ng taon na sina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub.

Ang “Tamang Panahon” grand celebration ay inaasahang dadagsain ng mga suporter ng AlDub lalo pa’t napabalita na sold-out na agad ang 55,000-seated arena sa Ciudad de Victoria sa Bocaue at Santa Maria sa Bulacan sa loob lang ng dalawang araw.

 

At dahil mabilis na naubos ang tiket, nagpetisyon na ang mga suporter ng AlDub sa Twitter na ibukas na ang kalapit na Philippine Sports Stadium na may kapasidad na 25,000 katao para makapanoon ng nasabing okasyon.

“If these numbers are right then people should really expect traffic along NLEx on Saturday,” ayon kay Carlos.

Hindi rin gaya ng mga event na inorganisa ng Iglesia ni Cristo, inaasahan na ang mga tao ay darating sa lugar sakay ng kani-kanilang mga pribadong sasakyan.
“During previous INC gatherings, the people went to the stadium aboard shuttle buses,” ayon sa MMDA OIC.

Dahil sa inaasahang matinding trapiko, magdadagdag ng tao ang MMDA sa Balintawak at Mindanao avenue sa Quezon City, dahil ito ang mga lugar na entry at exit pints ng NLEx.

 

Read more...