AFTER ng radio program namin kagabi ay tinawagan ko si kafatid na Allan K para yayaing mag-tong-its sa Klownz dahil dalawa lang naman ang tambayan kong comedy bars during weekdays eh – Klownz and Zirkoh na parehong pag-aari ni AK. Past 11 p.m. na iyon, just to find out na naospital pala siya at palabas pa lang siya that time after a thorough check-up.
“Naaksidente ako sa hoover board, ‘Day. Habang naghihintay ako ng take ko sa taping ng Vampire Ang Daddy Ko, naglaro muna ako nito. Sumakay ako thinking na carry ko na kasi nabili ko yon last month pa.
Napabilis ang takbo at malamang na napatid ang cable kaya natumba ako. Mabuti na lang nauna ang puwet ko at dalawang beses nauntog ang ulo ko. Talagang hinimatay ako.
“Itinakbo ako nila sa Medical City at iyon na, nagpa-CT scan ako at sa awa ng Diyos, wala namang fracture sa ulo ko. Walang blood clot. Nabugbog lang kaya tinahi ang maliit na sugat.
Mahal talaga ako ni Lord kaya hindi Niya ako pinabayaan. Kaya sabi ko sa PA kong si RJ, tigilan na namin ang larong pambatang ito, disgrasya lang pala ang dulot nito sa amin,” kuwento ni kaibigang Allan habang nagto-tong-its kami that night.
May bandage pa nga siya sa ulo. Buti na lang at safe siya. Gosh! Hindi ko ma-imagine na mawalan ng regular na ka-tong-its. Ha-hahaha! Kidding aside, mahirap talagang maglaro ng mga ganyang uso-usong laruan na sinasakyan.
Maganda naman talaga iyon kaya lang takaw-disgrasya rin pag hindi ka ganoon kadunong. And AK, di puwedeng sa baklita ang ganoong laruan kasi – pangbarako iyon.
Ayan kasi – i-give mo na lang iyan sa mga boys. Or, di kaya ibenta mo na lang para di ka na ma-tempt na sumakay ulit. Thank God and you’re safe. Labyu, dear kafatid na Allan K. Always take care, ok?
MOST READ
LATEST STORIES