Laudable ang ginawa ng It’s Showtime na magbigay ng airtime para sa report ni Jeff Canoy sa sitwasyon sa Aurora province na talagang binagyo nang husto.
Isa ang Aurora province sa mga matinding nasalanta ng bagyong Lando at sa report ni Jeff ay grabeng naapektuhan ang mga lugar sa Dinalungan, Dilasag at Casiguran na hindi na puwedeng daanan ng mga tao.
Nagmistulang news program ang It’s Showtime dahil sa pagbibigay-daan nila sa report sa updates sa bagyong Lando. Isa pang kahanga-hanga itong si Paul Leonardo ng Nueva Ecija na talagang nag-effort na mangalap ng pera mula sa kanyang friends sa US para ibigay sa mga nasalanta ng bagyong Lando.
With that, ginawaran siya ng “Proud to be Pinoy” na pagkilala ng It’s Showtime. Na-ngako rin ang show na magbibigay sila ng P30,000 kay Paul para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Hindi rin siyempre nakalimot ang It’s Showtime hosts at maging sila ay magbibigay ng tulong sa pa-ngunguna ni Vice Ganda.