Wish ni Nora, makatrabaho si Marian: Fan nila ako ni Dong!

nora aunor

Kung bibigyan ng pagkakataon, gustong makatrabaho ng Superstar na si Nora Aunor ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ayon kay Ate Guy, isa sa mga favorite niyang aktres sa bagong henerasyon ang misis ni Dingdong Dantes na malapit nang manganak sa kanilang first baby.

Una nang nakasama ni Nora si Dingdong noon sa seryeng Pari ‘Koy, at ngayong certified Kapuso na ang Superstar, wish niya na makasama sa teleserye o pelikula si Marian.

Sey ni Ate Guy, fan na fan daw talaga siya ng GMA Primetime King and Queen noon pa. Napapanood din daw niya si Marian sa mga ginawa nitong serye sa GMA at bilib na bilib siya sa galing nitong umiyak.

Malapit nang mapanood ang Superstar sa kanyang first ever primetime series sa Kapuso network na Little Nanay kung saan muli niyang makakasama ang award-winning veteran star na si Eddie Garcia.

Kasama rin dito sina Kris Bernal, Juancho Triviño, Hiro Peralta at marami pang iba, sa direksiyon ni Ricky Davao.

Read more...