Lolo pinugutan


Pinagtataga at pinugutan pa ng ulo ng isang lalaking may diperensya umano sa pag-iisip ang kanyang matandang kapitbahay na natutulog sa labas ng bahay sa Baleno, Masbate kahapon.

Nakilala ang biktima bilang si Decio Candidato, 68, habang ang suspek na si Alejandro Rapsing ay nakatakas, ayon sa ulat ng Masbate provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa Brgy. Cangcahorao.

Natutulog si Candidato sa gawa-gawang silya sa labas ng kanyang bahay, nang dumating si Rapsing at biglang pinagtataga ang una.

Pinugutan pa ni Rapsing ang matanda, at matapos iyo’y binitbit at itinapon pa sa malayo ang ulo, ayon sa ulat.

Narekober ng mga rumespondeng pulis at barangay official ang ulo, halos 150 metro mula sa bangkay ng biktima.

Pinaghahanap ngayon ng mga lokal na awtoridad ang suspek, na may diperensya umano sa pag-iisip at huling namataang patungo sa direksyon ng Brgy. Bolo, Masbate City.

Read more...