Bata nalunod sa ulingan


Nalunod kahapon ang 2-anyos na batang lalaki nang mahulog sa charcoal pit, o ulingan, na puno ng tubig sa San Pablo, Zamboanga del Sur.

Isinugod pa ang bata sa San Pablo Municipal Health Office matapos makita sa ulingan, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa Brgy. Senior.

Bago ito’y naglalaro lang ang bata sa kanilang bakuran, pero nang tawagin na ng kanyang lola’y di na sumagot.

Dito na hinanap ng lola at ibang miyembro ng pamilya ang bata, hanggang sa matagpuan itong nakalublob sa ulingan na 5 metro lang ang layo sa kanilang bahay, ayon sa ulat.

Read more...