Luzon nilindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang Occidental Mindoro kamakalawa ng gabi at umabot ang pag-uga nito sa Metro Manila.
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na maaaring magdulot ng aftershocks ang paggalaw na ito.
Naramdaman ang lindol alas-9:50 ng gabi at ang sentro nito ay natunton may 22 kilometro sa silangan ng Looc.
May lalim itong 100 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Intensity V ang naitalang paggalaw sa Looc, Abra de Ilog at Paluan sa lalawigan ng Occidental Mindoro; at Batangas City.
Intensity IV naman sa Muntinlupa City; Pasay City; Mandaluyong City; Makati City, Parañaque City; Tagaytay City; San Pedro at Canlubang sa Laguna; Calamba City; Puerto Galera sa Oriental Mindoro; Mamburao sa Occidental Mindoro; General Trias at Bacoor sa Cavite. Naitala naman ang Intensity III sa Quezon City; Mandaluyong City; Taguig City; Manila City; Talisay at Agoncillo sa Batangas; Calapan City; Malolos, Obando at Bulacan sa Bulacan; at Angeles City. Intensity II naman sa Pasig City; Antipolo City; Las Piñas City; San Jose, Occidental Mindoro; Plaridel at Marilao sa Bulacan; Pateros, at Lucban sa Quezon.

Read more...