Negosyante nanalo ng P69M

lotto for site
Isang negosyante na taga-Batangas ang nanalo ng P69.2 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Oktobre 9.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay 55-taong gulang, may asawa subalit walang anak.
Plano na niyang palawakin ang kanyang negosyo at tulungan ang kanyang mga mahihirap nakamag-anak.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga lumabas na numerong 7-9-12-20-21-25.
May 10 taon na siyang tumataya sa lotto at nagkakahalaga ng P120 ang kanyang taya ng manalo.

Read more...