Petron babawi kontra RC Cola sa PSL

Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan)
4:15 p.m. RC Cola-Air Force vs Petron
6:15 p.m. Philips Gold vs Meralco
Team Standings: Cignal (3-0); RC Cola-Air Force (1-0); Petron (2-2); Foton (1-1); Philips Gold (1-1); Meralco (0-4)
IIWAS ang nagdedepensang kampeong Petron na makalasap ng losing record sa pagtatapos ng first round sa pagharap sa RC Cola-Air Force sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Kasalukuyang may 2-2 baraha ang Lady Blaze Spikers at pipilitin nilang bumangon ngayon sa nalasap na five-set loss sa kamay ng Philips Gold sa huling asignatura. Pero tiyak na mahihirapan ang Petron sa labang ito dahil palabang koponan din ang Raiders na nanalo sa una nilang laro sa season. —Mike Lee

Read more...