‘Rated K ‘ paliligayahin ang mga Bading, Tomboy at Transgender

korina sanchez

Good news para sa lahat ng miyembro ng LGBT community mula sa Rated K at Korina Sanchez-Roxas. Magaganap na ngayong araw ang first ever job fair ng KeriBeks sa SM North EDSA Skydome.

Sa pamamagitan ng United LGBT Of The Philippines sa pangunguna nga ni Ate Koring, bibigyan ng chance ang lahat ng bading, tomboy at mga transgender na magkaroon ng maayos na trabaho sa KeriBeks job fair.

Magsisimula ito ng 9 a.m. na tatagal hanggang 5 p.m.. Ito ang follow-up event sa matagumpay na KeriBeks National Gay Congress na ginanap sa Araneta Coliseum noong Agosto.

Ang KeriBeks ay brainchild ng pinagsama-samang idea ng mga LGBT member mula sa entertainment industry na galing sa iba’t ibang estado ng pamumuhay. Karamihan sa mga ito ay nanggaling sa masalimuot na nakaraan ngunit nagtagumpay dahil sa pagmamahal sa kanilang pamilya.

Si Korina ang unang tumulong sa pagbuo ng grupo at paglunsad ng unang major event nito sa unang konsepsyon pa lamang ng KeriBeks.

Bukod sa “Handog Tsinelas Campaign” ng Rated K, ang KeriBeks ang isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Korina, na sinuportahan ng kanyang asawa, ang Presidential candidate na si Mar Roxas.

Mismong ang award-winning TV host-news anchor ang nasabing malapit sa puso nilang mag-asawa ang LGBT community, “Para kasi sa akin mga bayani sila dahil sinusuportahan nila ang kanilang mga pamilya, pinagaaral nila ang kanilang mga pamangkin, at they still manage to be fabulous.”

Bukod sa job fair, nakatakda ring ganapin ang Project Red Ribbon, isang libreng seminar tungkol sa HIV/AIDS awareness and prevention. Special guests sa event ang boyband na 1:43 at ang biriterang singer na si Dessa.

Naghahanda din ang ULP sa isang serye ng mga event gaya ng livelihood program (training at seminar para sa LGBT community) at talent search na “May K Ka Ba? LGBT Got Talent”.

Ang mga aplikante ay maaaring mag-register ng libre sa venue at sinasabing humigit 50 kumpanya na lalahok sa job fair ang posibleng makapagbigay ng trabaho sa kanila.

Read more...