Ai Ai: Sa wakas naging regal baby din ako!

aiai delas alas

Ang saya-saya ng contract signing ni kafatid na Ai Ai delas Alas sa Regal Films last Saturday. Present siyempre ang love nating producers na mag-inang Roselle and Mother Lily Monteverde na talagang inasikaso ang pagdating ng Comedy Queen.

Finally ay natuloy din – ilang beses na kasi itong nai-schedule pero di matuloy-tuloy. Pero nga-yon ay sure na sure na. Tiyak na ang mga box-office movies ng Regal with Ai Ai as one of their stars.

Ibig sabihin lang nito ay tapos na ang kontrata niya sa Star Cinema kaya libre na siyang gumawa sa ibang produksiyon. And right now ay pag-aari na siya ng Regal.

Marami ang nang-intriga kina Ai Ai and Mother Lily – tinanong nang press si Mother kung sino ang mas love niya, si Ai Ai raw ba o ang ex-BFF nitong si Kris Aquino?

“Pareho silang kaibigan ko, magkaiba namang personalities sila. Personal nilang isyu iyon kaya deadma ako. Ha-hahaha!” ani Mothery. Tama lang naman, di ba? Malay mo, baka dumating ang panahong magkaayos ang dalawa at baka si Mother naman ang maipit.

“Good vibes lang tayo. Masaya ako at Regal baby na ako ngayon!” ani Ai Ai. Bukod sa kanyang mga regular show sa GMA 7, tinatapos na rin ng Comedy Queen ang official entry nila ni Bossing Vic Sotto sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Read more...