Claudine: OK na kami ni Raymart, may usapan na kami para sa 2 anak namin!

claudine barretto

Pagkatapos ng “Etiquette For Mistresses”, may susunod na raw project si Claudine Barretto. Tumatak daw sa moviegoers ang role ni Claudine sa “Etiquette”.

“May gagawin na tayo sa under Viva. Medyo confidential pa kung sino ang mga makakasama ko pero it will be directed by Wenn Deramas and yung leading man ko dito magaling siyang artista at nakasama ko na siya dati,” sabi ni Claudine sa interview ng ABS-CBN.

Excited na ang aktres sa reunion movie nila ni direk Wenn na nakasama niya sa mga teleseryeng Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon at iba pa.

Pagdating naman sa kanyang personal life, tumanggi nang magkomento si Claudine, lalo na ang tungkol sa kasong kinakaharap nila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Pero aniya, “Maayos kami ni Raymart ngayon and may usapan kami na ‘wag na lang mag-comment ng kahit ano tungkol sa isat isa para sa mga bata. Ang importante okey kami ngayon at masaya ang mga anak namin.”

Read more...