Kit Tatad nakisawsaw sa disqualification case vs Grace Poe

NAGSAMPA si dating Senador Kit Tatad ng disqualification case laban sa presidential aspirant na si Senador Grace Poe Lunes.

Inihain ni Tatad ang petisyon sa Commission on Elections (Comelec) head office sa Maynila sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Manuelito Luna.

Itinanggi ni Tatad, na tumakbo bilang senador sa ticket ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr noong 2004, na hindi politically motivate ang ginawa niyang paghahain ng kaso dahil wala naman umanong makikinabang na presidential aspirant sa kanyang hakbang.

Ayon sa kampo ni Tatad, hindi maaaring payagang makatakbo si Poe dahil hindi ito natural-born Filipino at hindi pa nito nakumpleto ang 10-year residency requirement na kinakailangan para makatakbo bilang pangulo.

Ayon kay Luna, sa sandaling pumanig sa kanila ang Comelec, nangangahulugan na si “Poe would be perpetually barred from seeking public office.”

Si Tatad ang ikatlo na naghain ng kaso laban kay Poe sa Comelec.

Unang naghain ay ang talunang senatorial bet na si  Rizalito David na nag-akusa kay Poe ng  “material misrepresentation” sa kanyang Certificate of Candidacy nang maghain ng kandidatura noong 2013 sa pagkasenador.

Noong isang linggo, naghain naman ang dating Government Service Insurance System (GSIS) legal counsel na si Estrella Elamparo ng petisyon na humihingi na ikansela ang COC ng senador sa pagkapangulo.

 

 

Read more...