Agri student sa Mindanao patay sa frat hazing

PATAY ang agriculture student ng University of Southern Mindanao (USM) makaraan umanong sumailalim sa hazing ng isang fraternity sa Kabacan, North Cotabato kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Bobong Bualan, 26, isang agriculture student at nagbo-board sa Aglipay st., Kabacan. Nagtamo siya ng mga pasa sa binti at ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa ulat, kadarating pa lamang umano ni Bualan sa boarding house nang mawalan ito ng malay.
Naitakbo pa ito sa Kabacan Medical Specialist Center subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay.
Napag-alam na miyembro ng Triskelon ang biktima.
Pinaghahanap na ng pulisya ang mga miyembro ng nasabing frat na maaaring may kinalaman sa pagkamatay ng biktima.

Read more...