Pambato ng Nueva Vizcaya wagi sa Miss World PH 2015

DINAIG ng 24-anyos na beauty queen mula sa Solano, Nueva Vizcaya ang 25 iba pang kandidata sa Miss World Philippines 2015 sa ginawang coronation night nitong Linggo.

Si Hillarie Danielle Parungao ang kinoronahan bilang bagong Miss World Philippines sa ginawang patimpalak sa The Theater sa Solaire Hotel and Casino sa Pasay City.

Si Parungao ang siyang magrerepresent sa bansa sa Miss World 2015 competition na gagawin sa Sanya, China, sa December.

Papalitan ng bagong koronang beauty queen ang dating “Eat Bulaga” mainstay na si Valerie Weigmann.

Bago pa tanghalin bilang bagong Miss World Philippines, umani na ng siyam na special awards ang dalaga: Best in Fashion Runway, Best in Long Gown, Best in Sports Challenge, Best in Swimsuit, Miss Figlia, Miss Phoenix, Miss Technomarine, Miss Solaire, at Miss Zen Institute.

Nagwagi rin bilang First Princess si Marita Cassandra Naidas, Second Princess Mia Allyson Howell, Third Princess Ma. Vanessa Wright at Fourth Princess Emma Mary Tiglao.

Ang programa ay pinagbidahan naman nina Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais, Iya Villania, at Tim Yap.

Bago pa tanghalin bilang bagong pambato sa Miss World, si Parungao ay nagwagi bilang third runner up sa Miss Asia Pacific World 2014 at Miss Solano noong 2005 at Miss Nueva Vizcaya noong 2006.

Read more...