James, Nadine mas pakikiligin pa ang madlang pipol sa season 2 ng OTWOL

james reid

Hindi itinanggi ni Direk Joyce Bernal na natatalo sila sa ratings game ng On The Wings Of Love na katapat ng My Faithful Husband.

Ang director ng OTWOL ay ang dating personal assistant/script continuity ni direk Joyce na si direk Antoinette Jadaone. “Natutuwa ako for her, proud ako para sa kanya,” pahayag ni direk Joyce para sa rati niyang alalay.

At dahil natatalo nga sa ratings game ang seryeng idinidirek ni Joyce ay tinanong namin kung hanggang kailan ito dahil ang On The Wings Of Love ay hanggang Pebrero 2016 pa.

“Bago mag-December yata o December, not sure, eh. Oo talo kami sa OTWOL, ganu’n naman talaga sa TV, e, pero kaila-ngan hindi yun makaapekto sa trabaho mo,” nakakalokang sagot ng direktor.

Kaya gustung-gusto naming kausap si direk Joyce dahil hindi talaga siya showbiz at wala siyang pakialam kung nagri-rate o hindi ang programa niya dahil katwiran niya, ano’ng magagawa niya kung yun ang katotohan.

Ang mahalaga pinagbubuti pa rin niya ang kanyang trabaho para sa mga loyal viewers ng kanyang teleserye. Nabanggit din ni direk Joyce na planong i-extend sana ang MFH ng GMA, pero hindi na raw puwede dahil lalaylay na ang kuwento nito.

Ang tanong, hindi kaya ipatawag si direk Joyce ng GMA management sa pambubuking niya na natatalo sa ratings game ang MFH sa OTWOL?

Anyway, sa pagpapatuloy ng kuwento ng OTWOL season 2, mas marami pang dapat abangan lalo na ngayong nasa Pilipinas na sina Leah (Nadine Lustre) at Clark (James Reid).

Kung kinilig daw ang mga OTWOLista sa mga eksena ng JaDine noong nasa US sila mas kaabang-abang daw ang mga mangyayari sa buhay ng dalawa dito sa Pinas.

Read more...