Enrique araw-araw nagsasabi ng I Love You kay Liza

enrique gil

DIRETSONG umamin si Liza Soberano na malaki ang pag-asa ni Enrique Gil kung sakaling ipagpatuloy na nito ang panliligaw sa kanya.

Sa presscon ng follow-up movie ng LizQuen na “Everyday I Love You” kahapon under Star Cinema buong ningning na sinabi ni Liza na posibleng maging seryosahan na ang relasyon ni Enrique pagdating ng takdang panahon.

Pero sa ngayon daw ay naka-focus muna sila ng kanyang ka-loveteam sa trabaho. Nang tanungin si Liza kung nasa anong estado na ang relasyon nila ni Quen, “We’re best of friends.

Super close po talaga kami ngayon. Sobrang comfortable na po kami ngayon. And for me po yun ang pinaka-important sa lahat, yung working relationship namin para sa lahat ng sumusuporta sa amin.”

Ayon naman kay Enrique, “Yes po, ngayon talaga we’re really, really close friends. We are just happy na magkatrabaho pa rin kami ni Liza at sana po suportahan din nila ang E-veryday I Love You like they did sa Just The Way You Are.”

Tinanong din si Quen kung everyday ba siyang nagsasabi ng I love you kay Liza, oo raw at hindi raw lumilipas ang isang araw na hindi niya ito nasasabi kay Liza.

Napanood na namin ang buong trailer ng pelikula at mukhang mas promising ito sa una nilang pelikula. Mas mature rin ang atake ng mga karakter nina Liza at Enrique sa mga napanood naming eksena, lalo na ang mga sweet moments nila ng isa pang bida sa movie na si Gerald Anderson.

Si Gerald ang gaganap na first boyfriend ni Liza sa movie. Nang tanungin kung may kissing scene na sila ni Liza this time, secret muna raw sabi ni Quen. Yun daw ang kailangan abangan ng mga manonood. Pero may eksena raw sa pelikula kung saan hinalikan ni Liza si Gerald.

Samantala, sinagot din ni Enrique ang tanong kung feeling ba niya ay makakaapekto sa movie nila ni Liza ang airplane scandal na kinasangkutan nila a few weeks ago.

Sagot ng binata hindi raw dahil matagal na itong nangyari at, “I think ang kailangan nating isipin ngayon ay ang bagyo at saka yung pelikula namin, yun po ang mas importante.” Showing na ang “Everyday I Love You” sa Oct. 28 nationwide sa direksyon Mae Cruz Alviar.

Read more...