Karla Estrada: Never po akong naging kabit, ayokong makasira ng pamilya!


karla estrada

BILANG suporta ni Karla Estrada sa kaibigang si Kris Aquino ay nagpa-block screening siya ng pelikulang “Etiquette For Mistresses” kamakailan sa The Podium para na rin sa lo-yalistang fans ni Daniel Padilla under DJP Productions.

Ayon kay Karla ay maliit na bagay lang itong naisip niyang block screening para sa mga naitulong at pagmamahal na ibinigay sa kanya at sa anak nitong si Daniel ng Queen of All Media.

“In my own little way, gusto kong suportahan si Ate Kris saka hindi ko pa rin napapanood ang movie kaya isinabay ko na rin para sa fans ni DJ at fans nila ni Kathryn (Bernardo),” sabi ni Karla.

Aware raw si Kris na may pa-block screening ang mag-ina at gusto sanang sumaglit nito pero may nauna siyang commitment ng mga oras na iyon dahil may taping ng Kris TV para sa reunion ng Ang TV cast sa pangunguna nina Victor Neri, Jan Marini Pizarras, Roselle Nava Tan, Gio Alvarez, Jolina Magdangal.

At kinagabihan din ay may meeting siya sa scriptwriter ng “All You Need Is Pag-Ibig” na si Kriz Gazmen. Nagpasalamat naman daw ang TV host-actress kay Karla at kay Daniek sa suporta ng mga ito sa pelikuka niya.

Samantala, tinanong namin ang nanay ni Daniel Padilla kung nasubukan na nitong maging mistress since “Etiquette For Mistresses” naman ang pinanood niya.

Mabilis na sagot ni Karla, “Ay in fairness, hindi, maipagmamalaki ko na lahat ng tatay ng anak ko, single silang lahat nu’ng naging kami dahil hindi rin naman ako papayag na makasira ng pamilya.

Nagkataon lang na hindi kami nag-click kaya kami naghihiwalay.” Pero ang isa sa naging ama ng anak niya ay si dating konsehal Mike Planas na may asawa.

“Nu’ng naging kami ni Mike, hiwalay na sila ni Pat P at hindi kami magkakilala. Matagal na kaming hiwalay ni Mike nang magkakilala kami ni Pat P,” katwiran ng aktres.

Isa pang revelation ni Karla ay kaibigan pa rin niyang lahat ang mga tatay ng anak niya, “Okay kaming lahat, walang isyu, magkakaibigan kami.”

May sariling career naman ngayon si Karla dahil kasama siya ngayon sa game show na Celebrity Playtime ng ABS-CBN kasama ang kapwa niya finalists sa season one ng Your Face Sounds Familiar at iba pang celebrities hosted by Billy Crawford.

“Saya-sayahan lang, nakakatuwa, at least may raket pa rin ako, di ba?” masayang sabi ng aktres cum singer. Bukod sa Celebrity Playtime ay may gagawin din daw pelikula si Karla na hindi pa niya binanggit kung ano bukod pa sa isa pang programa sa TV.

May seryeng offer daw kay Karla pero ayaw na niya itong tanggapin, “Naku, ayaw ko nang magserye, wala na akong buhay at hindi ko na makikita ang mga anak ko.

“Hindi ko kakayanin kasi I’m also a mother kaya hindi ko kayang mag-serye, gusto ko pa ring makita’t makasama at pagsilbihan ang mga anak ko. Si Daniel nga bihira kong makita kasi pagdating niya, paalis naman ako para mag-taping,” pangangatwiran ng aktres.

Read more...