ISA na namang napipintong trahedya ang pagdating nitong supertyphoon “Lando” na ngayo’y nananalasa pa rin sa buong Luzon.
Bukod sa napakalakas na hangin at maraming ulan na dala nito, mananatili ang bagyo sa ibabaw ng Luzon hanggang bukas at lalabas lang sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado.
Madaling araw kahapon ng mag-landfall ang bagyo sa pagitan ng Casiguran at Baler sa Aurora na may lakas na 220kph at pagbugsong 280kph. Pero, ang pambihira sa bagyong ito ay ang matinding ulan na ibabagsak nito ngayon hanggang Miyerkules.
Ikinukumpara si “Lando” kay “Ondoy” noong 2011. Si “Ondoy” ay nagbagsak ng 455 mm ng ulan sa Metro Manila sa loob ng 24 oras samantalang si “Lando” ay nakitaan ng NASA satellite na merong 133mm per hour lalo na sa Western side nito na umabot sa 14.5kms ang taas ng kaulapan.
Kung si Ondoy ay nagtala ng 18mm per hour na ulan sa loob ng 24 oras, paano na lang itong si Lando na merong 133mm per hour? At ang huling balita ay bumagal at mananatili ito sa ibabaw ng Central at Northern Luzon. Katunayan sa mga latest forecast, baka abutin ng 48 hours o dalawang araw mahigit itong si “Lando” sa Luzon kung saan dito niya ibabagsak ang dala niyang ulan.
Umapaw na ang maraming ilog sa Luzon at ang mga dam tulad ng Magat, Binga at Ambuklao. Sa madaling salita, iikot ang bagyo at parang uupo at magbabagsak ng pinakamaraming ulan sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Ika nga, worst flooding scenario ang nakikita ngayon ng mga weather forecasters.
Nakakabahala ang projection lalo na sa Northwestern Luzon na aabutindaw ng 1,270 mms o halos doble ng ulan na ibinigay ni “Ondoy”. Meron pang nagbigay ng historical perspective, si Nick Witgen ng weather.com na noon daw 1911, ang Baguio city ay tumanggap ng 2,200 mm
(87 inches) ng ulan sa isang bagyong tumagal ng apat na araw.
At ngayon , sa bag-yong si Lando, maaring maganap daw ang tinatawag nilang “orographic enhancement”, kung saan ang malalakas na hangin ay magpapabalik-balik sa kabundukang kalapit ng Baguio hanggang tuluyang maubos ang “moisture” doon at magkaroon ng matin-ding pagbaha.
Ang simpleng paliwanag sa nangyayari ay ganito: si Lando ay hinihila ng kasunod niyang bagyong si Champi sa tinatawag na “binary effect” o
Fujiwara tulad ng nangyari kay “Pepeng” at “Ondoy”.
Yinuyukuan naman ng “high pressure ridge” sa ibabaw si “Lando” samantalang tumutulak ang malakas na westerly winds na nanggagaling sa south China Sea kay “Lando” para umakyat pataas ng Cagayan.
Nakapag-landfall na nga si “Lando” pero ang worst case scenario ng matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Luzon ay pasimula pa lang.
Mag-ingat po tayong lahat lalo na iyong mga nasa Southern Cagayan, Cordillera provinces, Baguio, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac Pampanga, Pangasinan, Ilocos provinces Abra , at La Union.
Sana naman ay tulu-ngan ng Maykapal ang ating mga kababayan na dumaranas ng mga pagbaha, pag-ulan , landslide at iba pang pagsu-bok sa naturang mga lugar sa mga susunod na araw.