Makapag-aasawa pa ba sa edad na 43? (2)

Sulat mula kay Nene ng San Agustin St., La Carlota City, Negros Occidental
Problema:

1. Sa darating na November 7 ay 43 na ang edad ko na hindi man lamang nakaranas magka-nobyo. Kaya naman sa tuwing magsisimba ako at sa gabi bago matulog ang laging dinadasal-dasal ko ay matagpuan ko na sana ang lalaking inilaan sa akin ng kapalaran. Pero sa ngayon parang nawawala na ako ng pag-asa kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Gusto kong malaman kung sa edad ko bang ito ay may chance pa kaya na makapag-asawa ako o sadyang nakalaan na sa akin ang tumandang dalaga na lang habang buhay.

2. Kung makapag-aasawa pa ako sana ay malaman ko rin kung kailan darating ang lalaking mapapangasawa ko, at ano ang kanyang palatandaan? Kung hindi naman, maluwag sa loob ko na lang tatanggapin ang aking kapalaran at ihahanda ko na ang aking sarili sa pagtandang dalaga habang buhay.

Umaasa,
Nene ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer ang darating at tulad mo rin siya – malapit na rin siyang tumandang binata sa edad na 43 or 44 pataas.
Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang lalaking darating na isa ring matanda binata ay nagta-trabaho sa isang kumpanya na may kaugnayan sa tubig at agrikultura na nagtataglay ng birth date na 2, 11, 20 o kaya’y 29.

Physiognomy:

Ang hugis ng iyong mukha na medyo malapad at may kayumangging kulay ay nagsasabing ang lalaking i-yong mapapanagsawa ay medyo mapayat na maputi hanggang sa katamtaman ang kulay ng balat.
Huling payo at paalala:

Nene ayon sa iyong kapalaran kahit na umabot ka ng edad na 43 o 44, wala kang dapat na ikatakot o ikapangamba na baka tumandang dalaga ka habang buhay, sapagkat nakatakda na ang magaganap, kung saan, sa susunod na taong 2016 sa edad mong 43 pataas, – isang lalaking nagtataglay ng initial na J.R. ang iyong makikilala, liligawan ka nya, hanggang sa bandang huli ay magiging boyfriend mo siya, upang pagsapit ng Nobiyembre ay yayain ka na niyang magpakasal, kataaon naman sa ganitong panahong ding nalalapit na ang kapaskuhan, sa edad mong 44 pataas, magaganap ang kinasasabikan at pinakahihintay mong pag-aasawa na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya.

Read more...