Sharon di makakaboto sa 2016, burado na ang pangalan sa Comelec?

sharon cuneta

Todo-post si Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account, announcing the candidacy of her husband Kiko Pangilinan.Talagang mahaba ang aria ni Ate Shawie sa kanyang account.

Kilalanin daw mabuti ang kanyang asawa. Sinuportahan pa nga niya ito nang mag-file ng kanyang kandidatura sa Comelec recently.

Pero lumabas sa isang website na posibleng hindi ma-kaboto si Ate Shawie dahil deactivated na ang kanyang name sa Comelec matapos na hindi siya bumoto for two consecutive elections.

Sari-sari ang opinion ng mga tao sa item na ito na lumabas sa isang popular website. Merong sinisisi si Ate Shawie, merong bumabatikos sa Megastar pero meron ding nagtanggol.

“So di siya bumoto the past 2 elections. Ibig sabihin bumoboto lang siya pag kandidato asawa nya. Meron ba siyang inendorse na president the last time? Tas di pala siya bumoto…..tsssss!”

“Shawie, anong masasabi mo? kela-ngang mala-nobela at detalyado tulad ng nakasanayan ng netizens huh.” “Nakabalik nga sa dos, magparehistro lang uli, problema ba yan? baka sabihin nyan marami ang naiambag nya sa pilipinas kaya dapat na reyna siya ng mga botante.”

“OK lang yan kasi nasa temporary-positive attitude si ate shawie kaya, pa-register lang uli siya. pero huwag daw mag-alala at back to regular programming aka negavibe pagkatapos ng eleksyon.”

“Magparegister uli. problema ba yun.”

Read more...