Isang Bayan Para Kay Pacman campaign ng Dos wagi sa Asia Sports Industry Awards
Nakamit ng ABS-CBN Sports, ang sports arm ng Kapamilya network, Best Sports Digital Platform award para sa “Isang Bayan Para Kay Pacman” campaign ng ABS-CBN sa kauna-unahang Asia Sports Industry Awards na ginanap sa New World Hotel.
Ang “Isang Bayan Para Kay Pacman” ay isang kampanya na tumagal ng isang buwan sa pagpo-promote ng pag-ere ng laban ni People’s Champ Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa ABS-CBN.
Naging epektibo ang digital interactivity ng naturang kampanya na ginamit ang hashtag na #OneForPacman. Isa pang tumatak para sa kampanya ay ang pagkakaroon ng punch meter sa isang special website na dedikado sa “Isang Bayan Para Kay Pacman” kung saan maaaring makisuntok ang sinumang nagbabasa nito para ipakita ang suporta kay Pacman.
Layunin nitong ipakita na sa bawat suntok ni Pacman, lakas ng milyun-milyon na Pilipino ang nasa likod nito. Umabot sa 126 milyon na suntok ang nalikom sa nasabing website para sa laban ni Pacquiao.
“Patunay lang ito na ang lakas ng teamwork at excellence sa ABS-CBN Sports ay kayang tapatan at higitan ang mga pinakamaganda’t pinakamagaling na kampanya sa a-ting rehiyon.
Naipakita natin sa ating mga kapitbahay dito sa Southeast Asia na kaya rin natin makipagsabayan sa ating mga sports marketing na proyekto,” sabi ni ABS-CBN Sports head Dino Laurena.
Ang Asia Sports Industry Awards ay kinikilala ang mga business leaders, mga organisasyon, mga pasilidad, at kampanya sa mundo ng sports na nagkaroon ng kontribusyon sa patuloy na paglaganap nito sa Southeast Asia sa nakaraang taon.
Speaking of Pacman, tuloy na tuloy na nga ang pagtakbong senador ng Pambamsang Kamao sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya sa social media.
Kung merong sang-ayon sa pagtakbo niya sa Senado sa 2016 meron ding hindi natutuwa sa desisyon ni Pacman. Wala naman daw gagawin doon ang boksingero.
Sana raw ay mag-concentrate na lang siya sa pagboboksing. At sana raw ay tularan na lang niya ang kanyang asawa na maagang nagising sa katotohanan na hindi para sa kanila ang politika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.