Relasyong Dennis-Jennylyn mas tumibay dahil sa My Faithful Husband | Bandera

Relasyong Dennis-Jennylyn mas tumibay dahil sa My Faithful Husband

Ervin Santiago - October 19, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

MUKHANG pang-promo lang talaga ang “relasyong” Sam Milby at Jennylyn Mercado. Ito’y matapos ngang aminin ng Kapamilya leading man na may tinatarget siya ngayong non-showbiz girl na isa rin palang model.

Marami ngang nagtatanong kung hindi ba nagseselos ang rumored boyfriend ni Jen na si Dennis Trillo sa mga palitan nila ni Sam ng sweet messages sa promo ng movie nilang “PreNup”.

Sabi ng isang source, mukhang may usapan na ang mga bida sa GMA Telebabad series na My Faithful Husband tungkol dito kaya wala ring violent reaction si Dennis.

Mas marami kasi ang naniniwala na matagal nang nagkabalikan sina Dennis at Jennylyn, kaya nga raw pumayag na ang mga ito na magsama uli sa isang teleserye ng GMA.

Kahit ang ilang mga katrabaho nila sa My Faithful Husband ay kumbinsido rin na may namama-gitan na uli sa kanila. Anyway, speaking of My Faithful Husband, narito naman ang kailangan n’yong tutukan ngayong gabi sa pagpapatuloy ng kuwento ng mag-asawang Mel at Emman.

Magmamadaling hahabol si Mel (Jennylyn) sa presinto. Maabutan niya si Emman (Dennis) na lumalabas. Sasabihin ni Emman na si Mel at ang mga bata ang prayoridad niya simula ngayon, na katangahan ang pagtangka niyang sumuko para saluhin si Cedes (Snooky Serna).

Matutuwa si Mel. Bibisitahin ni Dean (Mikael Daez) si Aliyah sa bahay ni Carmen (Rio Locsin). Magugulat na makikita si Emman na hindi nagpakulong. Malalait pa niya si Emman dahil sasabihin niya na buti ay ginagamit na ni Emman ang utak nito. Maiirita si Mel.

Mag-uusap sina Mel at Emman. Maiisip ni Emman na tama ang sinasabi ni Dean, na hindi naman niya ka-lebel si Mel at Dean, na tanga siya dahil hindi siya edukado kaya nauuto siya ng mga tao.

Hindi sang-ayon si Mel, sasabihin niya sa asawa na mabuti lang kasi ang kanyang puso, isa sa mga rason kung bakit siya ang pinili ni Mel kesa kay Dean.

Makalipas ng isang araw ma-tapos mapalaya si Carla (Jazz Ocampo), bibisita si Dante (Aaron Yanga) at Carla kay Emman para magpasama sa pagbisita kay Cedes. Hindi na sasama si Emman.

Tutulong siya sa pagbigay ng abogado kay Cedes pero hindi na siya magpapakita hangga’t di nagbabago si Cedes at di aamin sa mga ginawa niya.

Makukuha na ni Emman ang mana ni Arnaldo (Ricky Davao) sa kanya na pera at lupa. Maiisip niyang gamitin ang pera para lumipat na ng bahay at makapag-aral para mapagmalaki siya ng mga tao.

Sasabihan siya ni Lorenz (Nonie Buencamino) na hindi kakulangan ng edukasyon ang problema ni Emman, kungdi kakulangan ng tiwala sa sarili.

Ibabalita ni Emman na mag-aaral siya ng vocational course sa horticulture, dahil hilig naman niya ang bulaklak at makakatulong ito sa kanyang negosyo. Matutuwa si Mel at ang mga bata.

Maiisipan rin ni Mel na balikan ang pagiging nurse para sabay nilang mag-asawa aabutin ang kanilang mga pangarap. Masaya sila. Samantala, magugulat si Mylene (Louise delos Reyes) sa pagbisita ng kanyang ama na si Artemio (Lloyd Samartino).

Humihingi na ng tawad ang ama sa pag-iwan nito sakanila, pero tatabuyin ito ni Mylene. Hindi niya mapapatawad si Artemio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iniimbita naman ni Aliyah si Emman para sa isang school program na, “Show your Dad!” Alangan si Emman dahil wala pa naman itong maipagmamalaki sa anak at sa school nito.

Makikita ni Dean ang “Show your Dad!” program bilang isang oportunidad para makabawi kay Aliyah.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending