Sam Milby may nililigawang non-showbiz girl

sam milby

May gustong ligawan ngayon si Sam Milby. No, hindi ito si Jennylyn Mercado na siyang leading lady niya sa pelikulang “PreNup.

Isa raw itong non-showbiz girl na nakilala kamakailan ng Kapamilya hunk actor. Sa isang episode ng Kris TV, sinabi ni Sam na isa raw itong model.

Ayaw munang magbigay ng detalye ni Sam tungkol dito baka raw biglang maudlot, “Pag natuloy that’s when I wanted to talk about this.”

Guest din si Enchong Dee sa nasabing episode ng Kris TV kaya naitanong ni Kris kung dahil ba kay Enchong kaya niya nakilala ang nasabing model.

“Hindi kasi kapag nag-uusap usap mga boys tapos siyempre makikita mo sa events, which I just saw her like a few days ago. Maganda,” sabat ni Enchong.

Ayon naman kay Sam, nakilala niya ang girl sa pamamagitan ng social media, “Actually sa social media rin, nakilala ko siya sa social media.

Parang sa popular page nakita ko ‘yung mga pictures, ‘Wow ganda neto’ and I just followed her on IG (Instagram) and Twitter and ‘yun ‘di pa (ako nag-comment) pero nila-like ko ‘yung mga pictures niya.”

Paano nagsimula ang kanilang friendship sa social media? “Birthday. Ginreet ko lang siya. Kasi she’s following me also (on Twitter). No, the first time na tinweet ko siya, direct message was I heard her doing a radio interview tapos I was running the car.

“Nag-reply but siguro mga five messages ‘yung simpleng messages lang and then wala na kaming contact after that. Then birthday, yeah ginreet ko siya.

“Siguro mga two weeks after, a week after (bago nakuha ang number). We’re having a long conversation siyempre sa Twitter may character limitations ‘di ba so parang let’s just talk on WhatsApp or Viber. Text pa rin yeah,” kuwento ni Sam.

Read more...