Madlang pipol adik na adik sa Ang Probinsiyano

coco martin

HUMATAW muli sa ratings ang hit seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin noong Huwebes (Oct 15).
Nagtala ng bago nitong all-time high national TV rating na 42.9% ang Kapamilya primetime serye, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ito ay patunay sa mas tumitinding suporta ng mga manonood sa karakter ni Coco Martin at iba pang bida ng palabas. Sa pagpapatuloy ni Cardo ng naiwang misyon ni Ador, hanggang kailan niya mapapaniwala ang lahat na siya nga ang yumaong kakambal?

Magawa niya kaya ang tungkulin bago siya mabuko at mahuli ng mga kaaway? Abangan ang kapana-panabik na kaganapan sa top-rating teleserye sa primetime, ang Ang Probinsyano gabi-gabi after TV Patrol sa ABS-CBN.

Read more...